Operation Linis Barangay


           SANGGUNIANG BARANGAY,KABALIKAT,SK,AT  MAMAMAYAN   ON THE GO!!!             

   Ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ng aming Punong Barangay Ronald N. Caparaz, katuwang ang Sangguniang Kabataan habang sama-sama nilang tinatabas ang mga nagtataasang talahib sa isang bakanteng loteng upang taniman ng mga gulay at iba pang pananim na pakikinabangan.At ang mga damo sa daan ay sama sama at tulong tulong ang mga mamamayan at kabataan sa paglilinis nito,kaya patunay lng na ang PAGKAKAISA NG MAMAMAYAN AY SUSI NG MAGANDANG KINABUKASAN.Kaya tayong lahat ay magtulong tulong upang ating makamtan ang kaginhawahan at kaayusan..

 

BARANGAY TANOD

    Hindi lang tagapangalaga ng kapayapaan , sa kalinisan man sila’y maaasahan. Sila ang aming mga magigiting na Barangay Tanod, walang pinipili mapa-araw man o gabi basta’t ang hangari’y tunay na pagsisilbi. Kaya’t aming barangay hindi lang payapa, malinis na luntian pa.


Kabalikat

       Ang kabalikat ay samahan ng kababaihan.D2 sa aming brgy,isa sila sa mga nakakatulong ng brgy sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.Meron din silang kanya kanyang garden.Ang bawat purok ay my mga purok leader,at sila ang mga namamahala ng kanilang mga garden.At sa ngayon meron silang 11 garden na ginagawa at pinapakinabangan ngayon.At sila din ang katulong sa paglilinis ng aming brgy.Ang bawat purok dito sa aming brgy ay my mga kabalikat na palaging naglilinis,hindi matatawaran ang kanilang pakikiisa sa brgy.Pati ang kanilang mga anak ay katulong naglilinis dito.maraming salamat sa kabalikat........


Comments