Natatanging Ama 2009

 


          Buong Lugod ko pong ipinakilala sa inyo ang aming Natatanging Ama ng Barangay Central, na kilala bilang matulungin, mapagkawanggawa at higit sa lahat, may ginintuang puso, si G. Romeo Labrador Caparaz.

         Bunsod ng hangaring makapaglingkod, siya'y nahalal bilang Kapitan sa loob ng tatlong termino: una, noong 1994 - 1997, pangalawa, noong 1997 - 2002 at pangatlo, noong 2002 - 2007. Sa loob ng 14 na taong panunungkulan bilang Kapitan, siya'y minahal at iginalang ng kanyang nasasakupan dahilan sa ipinamalas niyang pagmamalasakit, kasipagan at pagtulong sa kapwa. Siya ay kinilalang Most Outstanding Barangay Captain at ang Barangay Central ay tinanghal na Cleanest and Greenest Barangay sa panahon ng kanyang panunungkulan.

       Sa ngayon, maligaya siyang namumuhay sa piling ng kanyang kabiyak ng dibdib na si Gng. Natividad Navarrro Caparaz na isang retiradong guro kasama ang kanilang apat na supling na napagtapos nila sa kolehiyo at ngayon matagumpay ng namamayagpag sa kani-kanilang larangan. Ayon kay Kap. Romeo, ang naging susi ng kanyang tagumpay ay ang pananalig sa Diyos at marubdob at tapat na hangaring makapag-lingkod. Mga kaibigan, si Ex-Kap. Romeo Labrador Caparaz, ang aming Natatanging Ama ng  Brgy,Central.





Comments